in ,

Dalaga, hindi na nagising matapos uminom ng paracetamol dahil sa matinding pananakit ng ulo

Isang babae ang hindi na muling nagising matapos niyang irekalmo ang pananakit ng ulo.

Marami na sa atin ang kinaugalian ang pag-inom ng Paracetamol sa tuwing nilalagnat o may masakit na bahagi ng katawan.

Ganito umano ang ginawa ng isang 21-anyos na babae sa England. Sumakit daw kasi ang ulo nito at nakaramdam ng pagkahilo.

Ang pangyayari ay ibinahagi ng ina ng dalaga na si Jessica Cain. Ayon dito, sumakit daw kasi ang ulo ng kanyang anak kaya uminom ng gamot bago matulog.

Subalit hindi na raw ito kumikibo at di na rin humihinga kinabukasan. Agad na rumesponde ang mga paramedics ngunit sa kasamanag palad, di na nila ito marevive.

Loading...

Naging palaisipan pafra sa pamilya ng dalaga ang nangyari. At nang ipasuri ang bangkay ng dalaga, napag-alaman na meningococcal meningitis at septicaemia ang naging sanhi ng pagkawala ng dalaga.

Ang nasabing sakit ay sanhi ng bacteria kung saan naaapektuhan ang daluyan ng dugon ng isang tao patungo sa utak, ito ang nangyari sa dalaga.

Ang bacteria ng Meningococcal ay nakukuha sa laway o dura na maari naman mapasa sa ibang tao sa pamamagitan ng paghalik o talsik ng ubo.

Ayon pa sa balita, kagagaling lang daw ng dalaga sa ibang bansa dahil sadyang mahilig daw itong travel.

Maging babala ang pangyayaring ito sa publiko lalo na at pangkaraniwan lamang ang mga sintomas nito tulad ng pagsusuka, pananakit ng ulo at pagkahilo.

Loading...

Upang makaiwas sa ganitong pangyayari, agad na kumunsulta sa eksperto kung nakakaramdam ng mga nabanggit na sintomas.

Loading...

Written by ADMIN

Angel Locsin, lashes out to seller who sells overpriced face masks

Frankie Pangilinan Umalma sa Paggamit ng mga Sundalo sa Community Quarantine