in ,

Mga Pinoy na Pasaway sa Italy Inaresto Matapos Magparty-party Kahit May Lockdown

Sa mga bansang tinamaan ng COVID-19, isa ang Italy sa First World country.

Sa katunayan, ang Italy ang may pinakamataas na COVID cases sa labas ng bansang China.

Alam naman ng lahat na sa Wuhan, China talaga nagsimula ang virus.

As of March 16, Lunes, 24,747 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Italy, at 1,809 na ang namamatay, ang 368 dito ay sa loob lamang ng isang araw.

Loading...

Naging rason ito upang maalarma ang gobyerno at ipa lockdown ang Italy.

Ayon sa tala, halos 108,000 ang mga Pilipinong naninirahan doon bilang permanent residents at temporary workers.

Isa na dito ang former cameraman ng GMA-7 na si Jon Cruz na labindalawang taon nang naninirahan sa Rome, Italy.

Dito na siya naninirahan kasama ang kanyang asawa na si Joan at ang kanilang mga anak na si Joaqui at Abby.

Loading...

Kahit na doon na sila naninirahan, nanatili pa din daw ang pagmamahal nila para sa bansang Pilipinas.

Nakikibalita pa din daw sila sa mga nangyayari at isa na nga dito ang lockdown o community quarantine ng NCR.

Ikinuwento ni Jon ang nangyari sa Italy kung saan sinuway daw ng maraming tao doon ang lockdown na pinag utos ng kanilang gobyerno.

Kaya madami ang nahawaan at namatay hanggang ngayon.

Sinabihan nila na dapat sumunod ang mga Pilipino sa mga pinapatupad ng pamahalaan para manatiling safe sa naturang virus.

Pero sadyang pasaway daw ang ibang Pilipino doon, may sampung Pinoy daw sa Italy na hinuli ng mga Carabinieri, ang law enforcements sa Italya.

Ang mga Pilipino daw ay nanggaling pa sa Varese, Milan at Bergamo na nagkita-kita sa isang apartment sa Lonate Pozzolo upang mag party.

Nadiskubre ng mga Carabinieri ang ginawa ng nga Pilipino dahil ang ingay daw nila at nagpatugtog ng malakas na music kaya inireklamo sila ng mga kapitbahay.

Sadya daw talagang mahigpit ang mga police ng Italya.

Dahil nilabag ng sampung Pilipino ang Italian government decree para malabanan ang pagkalat ng coronavirus.

Bukod sa penalty na 206 euros each (P11,724 sa Philippine currency), tatlong buwang pagkakakulong ang parusa sa mga dinakip na Pilipino.

Loading...

Written by ADMIN

Grocery at Financial Assistance Ibibigay ng Isang Kompanya sa Kanyang mga Empleyado

Christopher De Leon: Unang Pinoy celebrity na tinamaan ng COVID-19