in

Naulilang Anak Nang Inang dinapuan ng Covid-19, Inilahad ang Nangyari sa Kanyang Magulang

Hinikayat ni Liza, sa kanyang mahabang Facebook post kahapon, March 12, ang lahat ng mga nakahalubilo ng kanyang mga magulang na mag-self quarantine sa loob ng 14 araw.

Kahanga-hanga ang ginawa ni Liza Paqueo paglantad upang ibahagi sa lahat ang malungkot na karanasan ng pamilya dahil sa pagpanaw ng kanyang inang si Mrs. Nida Paqueo.

Pumanaw si Nida noong March 11 dahil sa COVID-19. Siya ay 67 taong gulang.

Si Nida ang asawa ni Dr. Vicente Paqueo na nagpositibo rin sa COVID-19.

Si Dr. Paqueo ang resource person sa hearing ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture noong March 5.

Loading...

Ang pakikisalamuha kay Dr. Paqueo ang pangunahing dahilan kaya nag-self quarantine sina Senators Sherwin Gatchalian at Nancy Binay, pati na rin si Senator Bong Revilla Jr. na seatmate ni Gatchalian sa senado.

Ang Paqueo couple ang subject ng public advisory na inilabas ng Department of Health kahapon, March 12.

PH35, who experienced symptoms on February 29, was admitted last March 5, 2020 at the Manila Doctors’ Hospital, and swabbed for testing last March 8.

“The patient who tested positive last March 11 passed away around noon of the same day due to severe pneumonia.

“The patient had existing medical conditions, namely hypertension and diabetes mellitus.

Loading...

“PH35 was admitted together with her husband PH34 who remains confined in Manila Doctors Hospital.”

Ang mag-asawa rin ang tinutukoy sa statement na inilabas ng Rockwell Land Corporation tungkol sa dalawang residente ng Joya North Tower na nagpositibo sa COVID-19.

“As of March 11, 2020, we can confirm two positive cases of COVID-19 in Joya North Tower, Rockwell Center, Makati,” saad ng official statement ng Rockwell Land management kahapon, March 12, na nasa report ng GMA News.

Narito ang mensahe niya:

“Sa aming mga kamag-anak at mahal sa buhay:

“Marami sa inyo ang nakaka-alam na ang mahal naming ina, si Nida Paqueo ay sumakabilang buhay. Yumao siya na nag-iisa; ang kanyang bangkay ay na-cremate na walang nakaligid. Ang aming ama ay lubos ang lumbay sa pagkawala ng kanyang minahal ng 47 na taon. Siya ay nag-iisa rin ngayon at walang kasama sa ospital.

“Kaming tatlong anak nila, ay naninirahan at naririto sa Amerika. Hindi kami nakadalaw noong nakaraang taon, at hindi rin kami makauwi ngayon dahil ipinagpayo ito ng aming ama, para sa kaligtasan ng lahat. Lubos na sadlak at kalungkutan ang ibinigay sa amin ng mga pangyayaring ito, ngunit nakakaragdag pa sa aming dalamhati ang bulongbulungan sa Internet tungkol sa aming pamilya.

“Ang kinahahantungan nito ay mga masamang palagay sa aming pamilya, na may kasama pang banta ng karahasan. Mayroon pang nagbunyag ng mga pangsarili naming kaalaman.

“Ang aking pahatig kahapon sa inyo ay iniukol kong parangal sa aming ina at pagbabalita sa kanyang pagyao. Sa pangalan ng pamilyang Paqueo/Cortes/Kostreci, ay ninanais kong ipabatid sa inyo itong aking pahayag:

• Ang aming ina si Nida Cortes Paqueo, 67 na taon, ay yumao noong Marso 11 dahil sa pulmonya. Malusog at malakas siya bago nagkasakit. Pumasok siya sa ospital noong Marso 5 at lumala siya habang nasa ospital. Ang aming ama ay pumasok sa ospital noong Marso 7.

• Noong Marso 11, pagkayao ng aming ina, ay natanggap naming ang balita na ang ikinamatay niya ay impeksiyon galing sa COVID-19. Ang pagkasuri sa aming ama ay nagsabi na siya rin ay may impeksiyon na COVID-19. Sa awa ng Diyos ay matatag ang kalagayan ng aming ama sa ospital, hanggang sa ngayon.

• Kaming tatlong magkakapatid na anak nila (ako at ang dalawa kung kapatid na lalaki) ay naninirahan rito sa Amerika.• Nabanggit ko sa umpisa na hindi kami umuwi sa Pilipinas ng nakaraang taon at maski naming ninanais na umuwi ngayon upang makasama ang aming ama, ay hindi naming magawa ito dahil sa payo ng aming ama. Iniisip niya ang kabutihan ng madla.

• Lahat ng kaibigan at kamag-anak na nakihalubilo sa aming magulang ay nakabukod na ngayon sa kuwarentina. Tinutulungan ng aming ama ang Kagawaran ng Kalusugan (Dept of Health) na magbigay ng payo sa mga ospital para mapigil ang pagkalat ng COVID-19.

• Bago sila nagkasakit, ang aming ama at ina ay naninirahan sa Maynila. Hindi sila dumalaw sa Surigao ng nakaraang apat na buwan. Hindi rin sila lumabas sa ating bansa sa panahong ito at walang galing sa ibang bansa na dumalaw sa kanilang pinaninirahan. Dahil dito, walang nakakaalam pa, kung bakit sila nagkasakit ng COVID-19. Ang Kagawaran ng Kalusugan (Dept of Health) ay nagsisiyasat sa kasalukuyan.

• Kung mayroon sa inyo na nakaligid sa aming magulang simula noong Pebrero 29 hanggang Marso 11, iminumungkahi namin na kung mabuti ang inyong pakiramdan, ay huwag kayong makihalubilo sa ibang tao hanggang makalampas ang 14 na araw. Kung mayroon kayong lagnat at ubo, magkonsulta kayo sa manggagamot o sa Kagawaran ng Kalusugan (Dept of Health).

“Masakit sa aming loob, mapanganib, at walang ikabubuti ang magkalat ng balitang walang katotohanan tungkol sa aming pamilya. Kami ay nasa gitna ng kalungkutan sa pagyao ng aming ina. Ipinakikiusap namin sa inyo, na sumama sa amin sa pagdasal na sana ay gumaling ang aming ama.

“Maraming salamat sa inyong lahat.”

Loading...

Written by ADMIN

Anne Curtis finally shared video of Baby Dahlia Amelie, netizens got worried

Mga Trabahador sa Isang Grocery Nag Overtime Dahil sa Ginawa ng Mga Customer Nila