in ,

For Real? Arci Muñoz terminated In ‘Pamilya Ko’ Due To Attitude Problem?

Naging usap-usapan sa publiko ang biglaang pagkawala ng karakter ni Arci Muñoz sa Pamilya Ko.

Ang Pamilya Ko ay isang teleserye ng ABS-CBN kung saan pinapalabas ito sa Kapamilya Gold.

Ginagampanan ng aktres ang role ni Betty. And bestfriend at love interest ni Chico na ginaganapan naman ni JM Deguzman.

Sa isang blind item, hindi maiwasang ikonekta ng madami si Arci sa lumabas na blind item mula sa sikat na dyaryo.

Ayon dito, natanggal daw ang ‘pasaway na aktres’ dahil napapadalas daw ito mag out of town kaya hindi nakakapunta sa tapings.

Loading...

Kung minsan daw ay late ito dumagating sakanilang set.

Nang lumabas ang blind item na ito, namatay ang karakter ni Arci na si Betty.

Nagulat ang madami dahil isa sa malalaking role and ginagampanan niya.

Sa isang inyerview, mariin na itinanggi ni Arci na natanggal siya dahil sa attitude problem. Nilinaw niya din ang dahilan kung bakit siya umalis sa Pamilya Ko.

Loading...

Ayon sa aktres, mayroon naging problema sakanyang schedules. Ang siste daw kasi, MWF ang taping niya sa Pamilya Ko.

“Schedule ko kasi, parang it doesn’t permit… parang M-W-F kasi ang taping namin, so yung schedule ko, right now I’m gonna be doing movies.

“Sabi ko, I have to choose: mga opportunities na mawawala over soap, ganyan, scheduling ang naging desisyon ko.”

May gagawin din daw si Arci Munoz mga bagong pelikula kaya kailangan niyang mamili.

Nilinaw niya din na napag-usapan na ng maayos ito kasama ang production team.

“Nag-usap kami ng production talaga ng maayos.

“Love ko yan, family ko yan, diyan ako nagsimula sa RSB.

“Kasi ang dami ko ring gustong gawin talaga na mga proyekto na hindi ko magagawa. Pinagbigyan nila ako, binigay nila sa akin yun.”

Ang Pamilya Ko ay hawak ng RGE Drama Unit headed by Rizza Gonzales-Ebriega.

Sinabi ng aktres na mahal niya ang production dahil doon siya nagsimula. Kinailangan niya lang daw talaga mamili at pinagbigyan naman siya ng team.

May limang bagong pelikula ang nakapila kay Arci at ang dalawa dito ay independent film na gustong gusto niyang gawin.

“Kasi meron akong isang pelikula na gusto ko talagang gawin, mga indie na never ko nagawa sa buong buhay ko.

“Dalawang indie yun na gustong gusto ko talagang gawin. Nagkakaroon ng conflict sa schedule ko, sabi ko, palalampasin ko ba yung pagkakataon na yun.

“Though naintindihan naman nila ako na yun yung naging choice ko, at saka napagusapan namin ng mabuti na nandoon kami sa set, napagusapan namin ng mga bosses na ayun, sa schedule.

“Dami kong gustong gawin, e. Okay naman kami, scheduling talaga.”

Ang Pamilya Ko ay umiire hanggang ngayon mula Lunes hanggang Biyernes.

Loading...

Written by ADMIN

Finally! Mommy Divine ni Sarah G. humarap at nagsalita na tungkol sa mga di umano alegasyon sa kanya

TOUCHING MOMENT: Random Girl In Grocery Store Gives Old Man More Necessarry Items For Free