in

Advice Of A Man Who Shots Pares Vendor Triggers Netizens

Viral ngayon ang video ng isang holdaper sa Tondo, Manila matapos mag bigay ng kanyang advice sa mga taong malalagay sa sitwasyon na ikinagalit naman ng mga netizens.

Ang nasabing lalaki ay nang holdap at nangbaril sa isang pares-mami vendor sa Baseco Tondo, Manila. Agad naman nahuli ng mga awtoridad ang holdaper na kinilala bilang Alexander Ogdamina.

Maliban sa kuha ng CCTV, may mga naturo din umano na mga nakasaksi ng pangyayari kaya agad nakilala ang suspek.

Sa isang Facebook page naman ay na upload ang video kung saan nakapanayam si Alexander na bumaril sa pares vendor na siya namang ikinalagay niya sa kritikal na kondisyon at maaaring maparalyzed.

“Kayong mga nakarinig ng holdap ibinigay nyo nalang para hindi kayo ma disgrasya,” advice ni Alexander na isang holdaper.

Loading...

Pagpapatuloy niya, “Pagnaholdap kayo, pagsinabing ibigay mo na yan, ibigay nyo na para hindi kayo mabaril. “

Agad naman nag viral ang video na umani ng iba’t-ibang reaksyon at komento mula sa netizens, karamihan sakanila ay galit.

Humingi naman ng dispensa si Alexander sa biktima ngunit sa huli, isinisi niya pa din ang nangyari sa biktima dahil hindi pa daw ito binigay agad ang kanyang money bag.

Nang tanungin naman siya kung ano ang masasabi niya sa biktima, sagot niya, “Baka akala kasi nila mga tulad sa namin nagbibiro kami. Hindi kami nagbibiro, Pag sinabi namin, ginagawa namin ‘yon.”

Loading...

“Kaunting halaga lang naman ‘yon kung gugustuhin eh, hindi na kailangan mawalan pa ng buhay,” dagdag pa nito.

Tumanggi naman siyang sagutin kung saan niya ginamit ang pera na nakuha niya pero umamin siya na gumagamit siya ng pinagbabawal na gamot.

Samantala, tila lalong nanggigil ang mag netizens sa pahayag na ito ng suspect.

Panoorin ang nasabing video:

Loading...

Written by ADMIN

IN A RUSH? Are Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli getting married today?

Matteo Guidicelli in hot seat after punching Sarah’s bodyguard during their civil wedding