in

They are now coming out: Personalities with alleged ‘issues’ on DOS are now talking

Bagama’t marami ang tutol sa pagpapasara ng ABS-CBN, lingid sa kaalaman ng iba, marami din personalities ang tahimik na sumusuporta dito.

Isang malaking issue na tinatalakay ngayon sa social media ay ang franchise renewal issue ng isang malaking network sa bansa.

Nahati sa dalawa ang mga netizens sa kung ano ang gusto nila mangyari sa ABS-CBN network. Marami ang hindi sang-ayon at nagpapahayag ng suporta sa DOS, subalit marami din ang nais ng mahinto ang operasyon nila.

Sa loob ng 65 years in service ng DOS, hindi na mabilang ang mga mamamamayang natulungan nila. Ngunit hindi nga ba talaga naging patas ang network sa pagbabalita gaya ng sinasabi ng iba?

Kapag may napabalitaang personalidad na nag over the bakod sa kalabang network, iniisip ng marami na gusto lang nilang mag explore sa kanilang career. Ngunit ang iba dito may mas malalim pa palang dahilan.

Loading...

Isa-isa ng naglalabasan ang mga personalidad na di umano’y may “issue” sa DOS. Kung noo’y nananahimik lamanag sila, ngayon ay unti unti na silang naghahayag ng kanilang saloobin.

Sa isang Facebook post ng batikong mamamahayag na si Jay Sonza, naglabas siya ng maanghang na pahayag kaugnay ng mainit na isyung kinakaharap ng ABS-CBN.

Kilala ang beteranong aktor bilang supporter ng kasulukuyang administrasyon.

Hinikayat pa nito si Senator Grace Poe na imbitahin ang mga ito kasama ang mga empleyadong tinanggal diumano ng giant network noon sa planong Senate hearing kaugnay ng isyu.

“Kung talagang serious kang malaman ang mga kabulastugan ng abs-cbn Sen. Grace Poe- Llamanzares, imbitahin mo ang mga sumusunod na resource persons:

Loading...

1. Mel Tiangco

2. Angelique Lazo

3. Ruth Abao

4. Izza Reneva-Cruz

5. Erwin Tulfo

6. Jay Sonza

7. Korina Sanchez-Roxas

8. Gel Santos-Relos

9. Group 103 forcibly terminated cameramen, cablemen, lightmen, vtr men, driver.

10 Group 457 forcibly dismissed employees.

11. Group 209 forcibly retired employees.

12. ten thousand employees without mandatory social amelioration coverage.

kung magpapakatotoo ka! kung hindi,

tama na iyang lecheng pautot mong senate hearing!”

Dagdag pa ni Sonza, huwag din daw kalimutang imbitahan si Willie Revillame na dati ring naging parte ng Dos at nakatanggap ng P127-M copyright infringement case mula sa network matapos nitong umalis doon.

Dating nag-trabaho si Sonza sa ABS-CBN at naging host pa nga ng dating show na “Mel and Jay” kasama si Mel Tiangco. Ngunit naging kontrobersyal ang dalawa matapos lumipat sa GMA 7 at nag-reunion sa show na “Partners Mel and Jay”.

Sa isang ulat ng Spot.PH, nagkaroon ng pagkakataon na matanong si Mel Tiangco noong 2013 kaugnay ng nangyari rito sa ABS-CBN noon.

Natanong ang ngayo’y GMA 7-news anchor kung pwedeng maitampok ang buhay nito sa show nitong “Magpakailanman”.

“Naku, baka hindi puwede! Kasi yun ang pang-aapi sa akin ng ABS. Pero puwede ba yun? Baka idemanda tayo!

“Kasi sobra ang panlalait sa akin. Sobra ang pagtapak sa akin. Dini-describe ko nga nun na, feeling ko, para akong ipis nun. Alam n’yo naman kung paano ba patayin ang ipis? Di ba, tinatapakan, tapos idiin pa para mapisa nang husto? Ganun ang feeling ko nun,” ayon kay Tiangco.

Loading...

Written by ADMIN

Kris Aquino Sinorpresa ng Mga Anak sa Kanyang 49th Birthday

Pinay Hayahay ang Biyahe sa Amerika Dahil sa Kanyang Bahay