in

Rabbit Meats Recommended As An Alternative For Pig Meat Amid ASF

Maaaring gawing alternatibo karne ng kuneho kapalit ng karne ng baboy dahil sa malaking positibo na magkakaroon ng kakulangan sa supply ng karne ng baboy kung patuloy na kakalat ang African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Nagbabala naman ang Philippine Veterinary Drug Association (PVDA) na aabot sa 1.1 metric tons ang mawawala sa supply ng karne ng baboy sa bansa kung patuloy na kakalat ang ASF.

Ayon sa asosasyon, simula noong ika-13 ng Enero taon kasalukuyan ay umabot na sa 178, 159 hogs o 1.7% ng total hog population sa bansa ang kinatay, 29, 709 lang sa mga ito ang may ASF.

Maaari din mawala ang 62% ng hog population kung hindi gagawa ng nararapat na aksyon ang gobyerno. Katumbas ito ng 7.85 million na baboy hindi lang dahil sa mga naapektuhan ng sakit kung hindi dahil na din sa mga hog raisers na hindi muna mag-aalaga ng baboy para maiwasan ang pagkalugi.

Loading...

Kaugnay nito, pinag-aaralan ng Department of Agriculture na palitan ang culling zone mula within one kilometer ng apektedong hog farm, ay gagawin na lang itong kalahating metro.

Ayon kay Secretary Willian Dar, malaki ang nawala at karamihan sakanila ay wala naman sakit o hindi nahawaan.

Dahil sa pag-aalala na magkaroon ng shortage ng supply sa karne ng baboy, naghahanap sila ng alternatibing karne at isa na dito ang karne ng rabbit sa mga kinokonsidera.

Madali lang daw magpalaki nito at mas mura kyng ikukumpara sa karne ng baboy. Mismong si Secretary Dar daw ay nakatikim na nito at ayon sakanya, parang karne ng manok lang daw ito.

Loading...

Ang pinakaunang tinitignan pa din daw nila bilang alternatibo ay ang karne ng manok.

Lahat daw ng pwede gawing alternatibo ay tinitignan at pinagbabasehan nila pero nangunguna pa din daw dito ay ang poultry.

Loading...

Written by ADMIN

Korina Sanchez May Mensahe sa Kambal Nilang Anak sa Kaarawan Nito

Remember Klaudia Koronel? Here’s her life now after leaving the showbiz