in

THROWBACK: Recall On How BB Gandanghari Reveals His True Colors Inside PBB House

Natatandaan ninyo pa ba kung paano umamin si BB Gandanghari sa tunag niyang kasarian noong nasa loob siya ng Pinoy Big Brother?

Si BB Gandanghari o Rustom Cariño Padilla ay isang Filipino transgender na nanggaling sa pamilya ng mga machos at tigasin kabilang na si Robin Padilla, Rommel Padilla at Royette Padilla.

Siya ay ikinasal sa aktres na si Carmina Villaroel taon 1994 noong hindi niya pa isinisiwalat ang tunay niyang pagkatao. Kinalaunan, naghiwalay din sila ni Carmina noong 1997 at hindi sila nabiyayaan ng anak.

Makalipas ang tatlong taon, isinilang ni Carmina ang kambal niyang anak na sina Cassie at Maverick sa asawa niyang si Zoren Legaspi. Habang si Rustom naman ay nagtayo ng negosyo na nagbebenta ng mga beauty products.

Loading...

Dito na kinuwestyon ng marami ang tunay na kasarian ni Rustom.

Noong 2005, matapos niyang magpahinga sa showbiz, bumalik siya sa industriya sa pamamagitan ng pagsali sa reality show na Pinoy Big Brother: Celebrity Edition.

Pebrero 28, 2006 nang nakipag-usap si Rustom ng masinsinan sa kapwa niya housemate na si Keanna. Bago pa magsalita si Rustom, biglang may dumapong kayumangging mariposa sa binti ni Rustom.

Ayon naman sa mga paniniwala, ang mga paru-paro o mariposa ay isang taong yumao na muling nagpakita o paramdam upang mag bigay ng mensahe o pahiwatig sa taong nakakita nito.

Loading...

Noong Marso 16-31 taong 2006, may ulat na naitanong kay Robin kung ano ang maaaring simbolo ng paru-paro sa pag-amin ng kanyang kapatid.

Ayon kay Robin, matagal nang yumao ang kanilang tatay at noong bata pa sila, pinaniniwalaan nila na kapag daw may nakuta silang paru-paro na malaki o dumapo sakanila, iyon daw ay ang kanilang lolo at lola na sumakabilang buhay na.

Sa pag-uusap nina Keanna at Rustom, umamin si Rustom na siya ay bakla at ito ay naging daan upang malaman ng kanyang pamilya ang tunay niyang kasarian.

Matapos ang malaking rebelasyon ni Rustom, minabuti ni Big Brother na papasukin ang kanyang kapatid na si Robin upang makausap si Rustom. Dito na sinabi ni Robin na siya ay sumusuporta at dapat respetuhin ang kanyang katayuan.

Pinasalamatan din ni Robin di Keanna dahil kung hindi dahil sakanya, hindi magkakaroon ng lakas ng loob si Rustom para umamin.

Sa kabilang banda, hiningian din ng press si Carmina kung ano ang masasabi. Ayon sa aktres, matagal na niyang alam na bakla si Rustom at tinanggap niya yon dahil minahal niya din ang aktor. Si Rustom din daw ang may ayaw na magkaanak sila.

Simula noon, nagkaroon ng malaking break sa showbiz career si Rustom dahil kinuha siya ng iba’t-ibang direktor upang gumanap sa mga pelikula. Kabilang na dito ang ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh, na isa sa MMFF entry noong 2005. Sinundan din ito ng Happy Hearts kung saan gumanap na baklang tatay si Rustom.

Loading...

Written by ADMIN

Nikki Gil Is Enjoying Her Simple Life Away From Showbiz

Ethel Booba , Welcomes Her Baby at Age 43