in ,

“Kung para sa ‘yo, para sa ‘yo talaga” Tony Labrusca, umamin na sa totoong relasyon nila ni Julia Barretto

Magtatambal sa kauna-unahang pagkakataon sina Tony Labrusca at Julia Barretto.

Sa announcement ng ABS-CBN, nakatakda silang bumida sa iWant original series na “I Am U” kung saan gaganap silang magkarelasyon.

Sa direksyon ito ni Dwein Baltazar at produced nina Jun Lana at Perci Intalan.

Nag guest sa Kapamilya late night show na Tonight With Boy Abunda noong Miyerkules, December 18, si Tony at nilinaw niya na bagamat hindi masasabing close na sila ni Julia, interesado siyang maging kaibigan ang young kontrebersyal na actress.

Loading...

Inusisa ng host na si Boy Abunda ang kasalukuyang estado ng relationship nina Tony at Julia.

“I wouldn’t say that me and Julia are, like, super close,” pag-amin ni Tony.

“I would love to be friends with her.” dagdag pa nito.

Naitanong naman ni Tito Boy kung may “possibilities” bang mauwi sa relasyon ang pagkakamabutihan nila.

Loading...

“Let’s not get ahead of ourselves!” natatawang sagot ng aktor.

Sa buong panayam, iniwasan ni Tony na mabahiran ng malisya ang unang pagtatambal nila ni Julia.

Gayunpaman, may isang bagay na siniguro si Tony kay Tito Boy.

“One day, the day she gets married, the man that she marries will be a very lucky man,” pahayag nito.

Sa parehong interview, nabanggit ni Tito Boy na parehong napagitna sa kontrobersiya sina Tony at Julia ngayong 2019.

January ngayong taon nang mag-viral ang video ni Tony habang inaaway ang isang tauhan ng Bureau of Immigration sa NAIA.

July naman nang masangkot si Julia sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Pagsapit ng Oktubre, nadawit din ang pangalan ni Julia sa alitan ng kanyang ina, si Marjorie Barretto, sa mga kapatid nitong sina Gretchen at Claudine Barretto.

Pero para kay Tony, walang anumang kontrobersiya ang makapipigil sa mga biyayang inilaan para sa isang tao.

“Kung para sa ‘yo, para sa ‘yo talaga.”

“Not a single thing, person, no energy on this Earth can’t take away what’s meant to be yours”, paliwanag ni Tony

Inamin din ng aktor na nai-inspire siya sa matinding pagmamahal ni Julia sa pamilya nito.

Loading...

Written by ADMIN

Angeline Quinto Backlashed After Defending Regine Velasquez Amid Issue With Sarah Geronimo Fans

Ethel Booba’s executive chef-partner Jessie Salazar Surprised her wit a children’s party theme for her 43rd birthday