in ,

Kumpirmado! 29 anyos na binata, nagkakaron ng buwanang dalaw o mens gaya ng sa mga kababaihan

Ang buwanag dalaw o mesturuation na tinatawag isang natural event sa buhay ng isang babae.

Sa pagtungtong ng panahon ng pagdadalaga, magsisimula ng maranasan ng bawat kababaihan ang buwang dalaw na ito o ang tinatawag na “red days”.

Ang buwang dalaw na ito ay normal lang sa mga kababaihan, ngunit paano kung ang isang lalaki ay nakararanas din ng “red days” na ito? Normal pa bang matatawag ito?

Isang 29 anyos na binata sa Bongabong, Oriental Mindoro ang humingi ng tulong sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” na naire sa telebisyon nitong nakaraang Linggo.

Ayon sa kuwento ni Noel sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” noong Linggo, nagsimula siyang makaramdam ng pananakit ng puson noong 12-anyos siya at isang patak lang ito ng dugo na tumagal ng pitong araw.

Loading...

Matapos ang isang buwan ay umulit ito at nararanasan din ni Noel ang nararamdaman ng mga kababaihan kapag may regla gaya ng mood swings at masakit na puson.

Inakala pa nga raw ng binata na mayroon siyang malubhang sakit. Isa rin ito sa dahilan kung bakit hindi raw nagtatagal ang lahat ng kanyang naging relasyon.

Naitago ni Noel ang kondisyon niya sa kanyang pamilya pero noong nagtrabaho siya bilang service crew sa Batangas ay nakaranas na siya ng “heavy flow” kaya nagdesisyon siyang sabihin na ito.

 

Dahil sa kahihiyan, naisip niya noon na magpakatiwakal.

Sa tulong ng KMJS, sumailalim si Noel sa ultrasound at natuklasan na mayroon siyang endometrial cavity. Dito umano nanggagaling ang regla niya buwan-buwan.

Loading...

“Meron siyang endometrial cavity. Doon nanggagaling ‘yung regla buwan-buwan. Confirmed sa ultrasound na may matres siya. It’s a rare case. May ovary siya na pambabae and testes na panlalaki,” paliwanag ni Dr. Noel Raymundo, isang OB gynecologist at endocrinologist.

Paliwanag pa ng doktor, nangyayari raw talaga ang male menstruation sa iilang kaso.

Posible raw na magkaroon nito ang lalaking nagkasakit sa atay o mga lalaking obese.

Ngunit para kay Noel, hindi nito matanggap na mayroon siyang ganitong kalagayan kung kaya nais sana nito na maalis ang kanyang matres.

Ayon naman sa doktor na sumuri sa binata, maaari naman na hindi ito tanggalin ngunit pagtagal ng panahon ay posible raw itong tubuan ng mga bukol. Iminungkahi nito na alisin na lamang ang matres ni Noel dahil hindi naman daw ito kailangan ng binata.

Loading...

Written by ADMIN

Remember Carol Banawa? Here’s Her Life Now After Leaving Showbiz

Ina Raymundo’s emotional scene while watching her son Jakob asleep, touches the heart of many