in

‘Being adopted is not a bad thing’ Judy Ann Santos, Inihayag kung paano siya nagtapat sa Anak na si Yohan

Isa nga naman sa mga pinakakilalang aktres dahil sa kanyang angking galing ay si Judy Ann Santos.

Open book sa publiko ang kanyang buhay maging ang kanyang pamilya. Bago pa sila naging mag asawa ni Ryan Agoncillo, kasama na ni Judy Ann ang kanyang adopted daughter na si Yohan.

Sa isang interview ng Push, napag-usapan kung paano nga ba nasabi ni Judy Ann kay Yohan ang tungkol sa kanyang adoption.

Early on pa lang naman nung relationship namin ni Yohan, nung kaming dalawa pa lang, alam ko nang nakaka-intindi na siya, sinabi ko na sa kaniya, pinaintindi ko na sa kaniya. I explained to her. Kasi ayoko na magkaroon siya ng grudgena itinago ko sa kaniya, kuwento ni Judy Ann.

Loading...

Nabanggit ni Judy Ann na iniisip kasi nya na baka manggaling pa sa ibang tao ito. Mas maganda na kung uunahan niya ito at manggaling sa kaniya ang katotohanan.

Ang fear ko kasi may ibang taong mag marunong at mag-atribida na sabihin tapos not in nice context tapos maging iba yung dating doon sa bata. So it was a decision I had to make, crossing my fingers, lifting everything to the Lord na bahala ka na don; dagdag pa ni Juday.

Ngayon mas napapag-usapan na namin nang maayos, nang kumportable sa kaniya, naipatindi ko sa kaniya na “being adopted is not a bad thing” it is actually the most beautiful word in the world. Simply because, I adopt you because I want you to be my family. I chose you,” kwento pa ni Judy Ann.

Naibahagi pa ni Judy Ann na nauna pa siya kaysa sa pagdating ni Ryan. Ina muna siya bago naging asawa.

Loading...

Sabi ko sa kaniya, you were the first one who came before dad. So I was a mother first, before a wife so tandaan mo yan. So nung una medyo hindi niya pa makuha pero eventually naintindihan na niya,pagbabahagi pa niya.

Nagbigay naman ng payo si Judy Ann sa mga may adopted children.

Sinigurado ko lang is to not say anything bad about her biological parents. Because I don’t want her to feel any anger sa biological parents niya. Kasi if it weren’t for them, I wouldn’t have her.

Loading...

Written by ADMIN

Mother of Boy Abunda Passes Away at 90

Furious Doctor involved in the viral road rage to be summoned by LTO