in ,

Vhong Vavarro and Tanya Bautista, after 11 years of relationship, KASALAN NA!

Finally! Ikakasal na si Vhong Navarro at mangyayari ‘yon bago matapos ang buwang ito.

Sa November 29 ang wedding ni Ferdinand ‘Vhong’ Hipolito Navarro sa kanyang longtime girlfriend na si Tanya Winona Bautista.

Tila bahagyang inanunsyo ito ng Its SHowtime host sa kanyang Instagram account kalakip ang larawan nila ni Tanya na tila isang pre nup shoot.

“She’ll often disagree, but at the end of it all, she will understand me.”

Umulan ng congratulatory messages mula sa mga fellow celebrities ni Vhong ang post na ito gaya nila Angel Locsin, Ogie Alcasid, Yeng Constantino, Amy Perez, Ryan Bang, Eric Tai, Zeus Collins, Nicole Cordoves, Luis Manzano, Rayver Cruz, Jason Abalos, Vickie Rushton, Isabel Oli, Erik Santos, Ali Forbes, and Mica Javier.

Loading...

Magaganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa Kyoto, Japan sa Biyernes.

Ang Four Seasons Hotel sa Kyoto ang venue ng wedding ceremony at reception ng kasal nina Vhong at Tanya.

Ayon sa report, dadaluhan ito ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Nag-advance taping na ng mga episode ang It’s Showtime cast dahil dadalo sa importanteng okasyon sa buhay ni Vhong ang mga kaibigan niyang malapit sa kanya na kinabibilangan nina Kim Atienza, Vice Ganda, Jhong Hilario, at Anne Curtis kasama ang asawa nitong si Erwan Heussaff.

Loading...

Kabilang sa principal sponsors ang direktor at talent manager ni Vhong na si Chito Roño at ang Regal Entertainment producer na si Roselle Monteverde.

Nag-celebrate sina Vhong at Tanya ng kanilang 11th anniversary as a couple noong buwan ng September this year.

In fairness ay palaging sinasabi ni Vhong na si Tanya na ang kanyang forever. At ang sabi niya sa interviews, intimate wedding lang ang gusto nila para tipid at dahil hindi naman daw showbiz ang kanyang nobya.

Nagtatrabaho si Tanya sa entertainment production ng ABS-CBN bilang writer. Sa katunayan ay nakagawa na siya ng ilang ito sa mga Kapamilya TV series kabilang na top rating serye na ‘Halik’.

Higit siyang nakilala ng publiko nang pumutok ang balitang binugbog si Vhong ng businessman na si Cedric Lee at ng mga kaibigan nito noong January 22, 2014 dahil sa akusasyon na, diumano, inabuso ng TV host-comedian ang model at aspiring actress na si Deniece Cornejo.

Limang taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang insidente na naging national news pa noon, pero hanggang ngayon ay naghihintay pa rin si Vhong ng hustisya.

Nakuha ni Tanya ang paghanga ng publiko dahil sa unconditional love and support niya kay Vhong nang mga panahon na iyon.

Congratulations and best wishes Vhong and Tanya!

Loading...

Written by ADMIN

“Hindi kami naliligo sa dolyar” Ninang na OFW, sapilitang pinag-sponsor ni Kumare ng 5k sa binyag

Katrina Halili posted how she and 7-year-old daughter Kathie argue with each other