in ,

“Hindi kami naliligo sa dolyar” Ninang na OFW, sapilitang pinag-sponsor ni Kumare ng 5k sa binyag

Nalalapit na naman ang Kapaskuhan sigurado marami na naman lalabas sa social media na mga hinaing mula sa mga ninang na tila naipit sa ganitong scenario. Ang nakalulungkot pa dito, ay humahantong pa sa solian ng kandila ng mga magkukumare.

Gaya na lang ng nangyari sa isang OFW na ninang, na hindi inaasahang malalagay sa alanganin dahil sa request ng kanyang kumare para sa inaanak.

Isang Facebook post ng sa isang netizen ang ngayo’y trending at patuloy na pinag-uusapan sa social media.

“Pangalawang magulang po hindi sponsor,” ito ang bungad ng netizen na si Rachelle Clair Melchor sa kanyang viral post patungkol sa kumare niyang ‘nakikiusap’ daw na magpadala ng ₱5,000 para sa inaanak daw ni Rachelle.

Loading...

Ibinahagi niya sa social media ang screen shot ng kanilang conversation bilang paalala para sa mga magulang ng tunay na tungkulin ng isang ninang o ninang sa kanilang mga inaanak.

Sa post ni Rachelle, sa unaay  kinamusta siya ng kanyang kaibigan na siya ring Ina ng kanyang inaanak at sa kalaunan ay nagbilin na ito ng pasalubong para sa kanya at sa anak nito.

Hanggang humantong ang usapan sa pag-imbita nito ulet ky Rachelle na maging ninang ulet sa bunso pa nitong anak at nag demand na sumagot ito ng gastos sa binyag na nagkakahalaga ng 5-thousand.

Basahin ang buong post ni Rachelle.

Pinamukha pa kay Rachelle na “pangalawang nanay” naman daw siya ng inaanak kaya ganoon na lamang ito kung ‘manghingi.’

Loading...

Tila hindi na nauunawan ng mga bagong magulang ang totoong papel ng mga ninong at ninang sa kanilang mga anak. Sa hirap ng buhay ngayon, hindi masamang maging praktikal, nawa’y magsilbing paalala at aral ito para sa susunod na magulang.

Ano pong masasabi niyo?

SOURCE: FACEBOOK

 

Loading...

Written by ADMIN

9 na Katao Edad 15-23 Nawawala sa Pasay, Nagbigay ng Takot sa mga Residente ng Lungsod

Vhong Vavarro and Tanya Bautista, after 11 years of relationship, KASALAN NA!