in ,

Meet Santino Rosales, the equally handsome son of Jericho Rosales

Sa pag-iisip ng nakararami, ang mga anak ng isang celebrity ay karaniwang sumusunod sa yapak ng kanilang mga magulang. Ang iba sa mga celebrity children na ito ay lumalabas na sa mga commercials at telebisyon sa murang edad pa lang.

Ngunit ang iba naman ay nagkakaroon ng ibang interest at hindi pinapasok ang showbiz world.

Madalas abangan ng mga netizens ang buhay ni Jericho Rosales dahil isa siya sa mga sought-after na aktor at leading man sa Industiya ng showbiz. Si Jericho ang isa sa mga tall dark and handsome na artista na may dating at sense of style kaya naman napakaraming fans ang nagkakagusto dito.

Alam ng karamihan na ito ay kasal na sakanyang girlfriend at blogger na si Kim Jones na madalas subaybayan ng mga netizens kung kailan sila magsisimulang bumuo ng pamilya.

Loading...

Subalit ang hindi alam ng iba na mayroon na palang anak na lalaki si Jericho Rosales sa isang former model na si Kai Palomares. Hindi alam ng karamihan na nagkaroon siya ng anak noon dahil hindi na rin masyadong ibinahagi ni Jericho ito sa publiko.

Ang kanyang anak na lalaki ay nag-ngangalang Santino at ngayon ay binata na!

 

Si Santino Rosales ay ang 17 year old son ni Jericho Rosales na talaga namang napakagwapo at artistahin ang dating.

Minsan nang pinasukan ni Santino ang modelling industry at naging miyembro ng Models Association of the Philippines (PMAP) at mas pinili niya ang modelling kaysa sa pag-aartista.

Loading...

 

Ayon kay Santino, naimpluwensyahan siya ng kanyang Ina na pumasok sa modelling industry at mas nagustuhan niya ito kaysa sa Showbiz kung saan naman ang kanyang Ama.

Dagdag pa nito, ayaw niyang ma-ikumpara kay Jericho at mas gugustuhin niyang makilala siya sa kanyang unique ways kaya hindi nito pinursige na pumasok sa industriya ng Showbiz.

Tungkol naman sa sports nito, mahilig din si Santino sa paglalaro ng football kung saan isa siyang varsity football player sa kaniyang dating school at madalas na maglaro sa Makati-based professional football association.

Si Santino ay nakatira sa kanyang ina habang ang kaniyang ama naman ay kasama si Kim Jones sa kanilang bahay.

Subalit pagdating naman sa  relationship niya sa kanyang ama, madalas din daw sila magbonding tuwing weekends dahil sinusubukan ni Jericho na maghanap ng oras para sa kanyang anak.

Sa ngayon, focus muna si Santino sa kanyang pag-aaral at sa pag momodel upang mas maenhance ang kanyang galing at talento.

Sa tingin niyo, papasukin niya rin kaya ang showbiz pagdating ng panahaon?

Loading...

Written by ADMIN

Anne Curtis cried when she heard what Vice Ganda said over her pregnancy

Netizen Nagulat sa Itsura no Make up Post ni Catriona Gray