in ,

Anak Ng Isang Pedicab Driver Nakapagtapos Ng Pag-aaral Bilang Magna Cum Laude

Bawat hirap ng buhay ay may kaakibat na kwento ng tagumpay, tulad na lang din ng bawat matagumpay na mag-aaral ay may magulang na handang gawin ang lahat mabigyan lamang sila ng magandang kinabukasan.

Tulad na lang ng kwento ng isang mag-aaral na naka-antig ng puso ng mga netizens dahil nasungkit niya ang isa sa pinakamataas na parangal sa pagtatapos ng kolehiyo.

Siya si Sandra Estefani Ramos, ang ulirang anak ng isang pedicab driver na nakapagtapos sa kolehiyo at nag-uwi ng karangalan bilang isang Magna Cum Laude sa Bicol State College of Applied Sciences and Technology matapos na makakuha ng average na 1.49 sa kursong Bachelor of Secondary Education. Marami sa nakabasa ng kanyang kwento ay talagang naantig ang damdamin at puso.

Ayon sa kanya, siya ay nagpapasalamat ng husto na kahit wala silang madaming pera o ano mang kayamanan siya parin ay nakapagtapos at masaya.

Loading...

Balak sana itong isikreto ni Sandra sa kanyang ama at sorpresahin na lamang sa mismong araw ng graduation. Subalit isang araw habang nasa kanilang bahay, nilipad ang folder dahil sa malakas na hangin ng electric fan at tumambad sa kanyang ina ang sikreto ng anak.

 

Sa kakarampot na kinikita sa padyak, pinagkakasya ng pamilya ang mga gastusin sa pang araw-araw.

Pangarap ni Sandra na maging teacher at suportado naman ito ng kanyang ama.
Ipinost ni Sandra sa Facebook ang kuwento ng kanyang buhay, kalakip ang larawan niya at ng ama habang nakasakay ito sa pedicab.

Payo niya pa sa mga kabataan, “Do your best in everything na kahit kung anong estado man nila sa buhay o kahit ano man yung katayuan nila ngayon basta maghanap lang ng inspirasyon, kaya nila yun.”

Loading...

Tila ang kanyang ama ay na bigla sa kanyang tiyaga sa pag-aaral at na sorpresa siya dahil sa ganitong prestihiyosong award.

Siya raw ay maghahanap na ng trabaho para masuklian ang sakripisyo ng kaniyang magulang at upang matulungan na rin niya ang kaniyang 2 nakababatang kapatid.

Loading...

Written by ADMIN

Indiano Naglabas ng Sama ng Loob sa Panloloko ng Misis Nito

Finally! Anne Curtis is pregnant! The entire showbiz celebrates with her