in ,

Sylvia Sanchez dakilang ina sa TV, paano nga ba siya sa kanyang totoong pamilya?

Jossette Ocampo-Atayde, o mas kilala sa screen name na Sylvia Sanchez ay nag-umpisa sa kaniyang karera bilang artista noong dekada ’80 at hanggang sa kasalukuyan ay aktibo pa rin siya sa show business at patuloy na pinapahanga ang mga tao sa kaniyang galing sa pag-arte.

Ilang beses na napatunayan ni Sylvia ang kanyang galing sa pag arte at karaniwan na lang para sa kanya ang mga roles bilang ina.

Sa kasalukuyan ay ginagampanan niya ang role bilang si Luzviminda Magbunga sa ABS-CBN series na ‘Pamilya Ko’ kung saan isa siyang raketerang ina na mayroong walong anak at gagawin ang lahat sa ngalan ng kaniyang pamilya.

Lubos na nagpapasalamat si Sylvia sa Maykapal sa panibago niyang proyekto dahil natupad na naman ang layunin niya bilang artista na makagawa ng mga palabas na kapupulutan ng aral ng mga manonood.

Loading...

“Sinabi ko talaga sa Diyos, ‘Thank you. Basta bigyan Mo lang ako ng role na makakapagbigay ng leksyon, ng aral sa lahat ng tao.”, paghayag ng aktres.

Napakadakila ang role na ginagampanan niya, na lahat ay gagawin at susuungin para sa kabutihan at kapakanan ng kanyang pamilya lalo na ng kaniyang mga anak.

Bago pa naman ang proyektong ito, gumanap rin si Sylvia ng kaparehong role sa nakaraan teleserye na ‘The Greatest Love’ na talaga namang tumatak sa mga manonood.

Kagaya ng mga ginagampanan niyang roles, sa likod ng camera ay isa ring huwarang ina si Sylvia sa kaniyang apat na anak sa asawang si Arturo Atayde.

Loading...

Kitang-kita sa kaniyang mga anak kung paano sila napalaki at nadisiplina ng maayos ng kanilang mga magulang lalong-lalo na ng kanilang ina.

 

Sa katunayan, dalawa nga sa anak ni Sylvia ay sumunod sa kaniyang yapak sa showbiz at kasalakuyang mga artista na din. Sila ay sina Arjo at Ria Atayde na madalas mapanood sa iba’t ibang pelikula at palabas.

Ang dalawang nakababatang anak naman na sina Gela at Xavi ay abala pa sa kanilang pag-aaral at malayo ang interes sa pag-aartista.

Masaya si Sylvia sa mga natutupad na pangarap ng kaniyang mga anak lalo na at maganda ang balitang naririnig niya sa mga nakakatrabaho nina Arjo at Ria. Gaya ng kaniyang mga ginampanang roles, buo ang suporta niya sa kanyang mga anak, ngunit nakaagapaw pa rin siya sa bawat desisyon ng mga ito.

Nang tanungin naman si Sylvia kung papaano niya napapanatiling masaya at matatag ang kaniyang relasyon sa asawang si Arturo ay narito ang kaniyang naging pahayag:

“Nilaland(i) ko pa rin ‘yung asawa ko. Naglalambing pa rin ako. Nagbu-bullyhan kami sa lahat ng oras. Meron pa rin kaming bully-han, pikunan, inisan. ‘Yung para pa rin kaming mga bata, mga teenager.”

Isa pa sa mga sikreto kung bakit nagtatagal ang relasyon ng mag-asawa ay dahil inaayos kaagad nila ang kanilang hindi pagkakaunawaan at sinisigurong hindi na magtatagal pa ang kanilang alitan.

“Ang ginagawa namin…lagi [naming] sinasabi na ayusin natin. Ako, lagi kong sinasabi ko sa asawa ko na, ‘Ako, I want to grow old with you.”

Kaya naman pala napaka effective niyang artista sa mga roles na ganito, dahil very close ang kanyang ginagampanan sa totoong pagkatao niya bilang ina at asawa sa totoong buhay.

Napakahalaga ng kaniyang sinabi, sa bawat suliranin ng mag-asawa o ng isang pamilya, napakahalagang pagusapan at magkasamang solusyunan ang bawat pagsubok na kinakaharap bilang iisa.

 

Loading...

Written by ADMIN

Just in: Sarah Geronimo And Matteo Guidicelli Are Now Engaged!

Anak ni Nonito Donaire Napaiyak ng Makita ang Ama