in

Bibong Bata, Pinaiyak ang Audience ng Wowowin sa Kanyang Kwento

Viral ang video ng batang si Enel na contestant ng Wowowin noong Oktubre 23. Naantig ang mga audience ng programa sa kwento ng musmos na talaga namang tumagos sa kanilang puso. Kwento ni Enel, kaarawan niya noong Oktubre 8 ngunit wala siyang handa.

Nang tanungin ng host ng programa na si Willie Revillame kung ano ang nais ng bata, sinabi nitong nais niyang magkaroon ng bisikleta at makatanggap ng cake. Di naman nagdalawang isip pa si Willie na bigyan ng pambii ng bisikleta ang bata at sagot narin niya ang cake nito.

Nang makausap pa ni Kuya Wil ang mga magulang ng bata, napatunayan nilang likas na mabait si Enel. Kwento ng kanyang ina, dinadalhan pa raw sila ni Enel ng kape kapag sila ay nasa bukid na mag-asawa at nagtatrabaho.

Kusa na rin itong kumakain kahit kapeng barako at kanin lamang bago pumasok sa eskwela at di na ito umiinda pa ng kanyang pambaon. Naglalakad din ng halos dalawang kilometro si Enel papasok ng kanyang paaralan at ni minsan ay di ito nagreklamo.

Loading...

Bukod pa raw sa talento nito sa pagkanta ay mahusay din itong mag-aaral kaya naman isang biyayang itinuturing ng kanyang mga magulang si Enel. Dahil sa mga nalaman pa ni Willie tungkol sa contestant, labis siyang natuwa at binigyan niya ito ng ₱25,000. Pang-blowout daw ito ng bata sa kanya pamilya at kasama na rin dito ang kahilingan niyang bike. Mapapansing halos lahat ng studio audience ay lumuha sa kwento ng batang si Enel.

Narito ang kabuuan ng video:

Wowowin: Batang lumaki sa hirap, maagang natuto sa bahay para makatulong sa magulang

Sa murang edad ni Enel, pinatunayan niyang kaya niyang magbanat ng buto para makatulong sa kanyang mga magulang.Watch more #highlight videos: www.gmanetwork.com/Wowowin

Posted by Wowowin on Wednesday, October 23, 2019

Loading...

Written by ADMIN

Mahilig Ba Kayo Mag Iwan ng Bottle Water sa Sasakyan? Ito Pala ang Pedeng Mangyari !

Just in: Sarah Geronimo And Matteo Guidicelli Are Now Engaged!