in ,

AKYAT-BAHAY, MAY IBA PA PALANG PAKAY! BINALIKAN PA ANG MGA BIKTIMA PARA SA MAITIM NA BALAK

Sa panahon ngayon, naglipana na ang mga masasamang loob.

Hindi mo masasabi kung kelan sila aatake.

Uso na din na may ga cctv sa bawat kabahayan pero wala din itong silbi kung walang nagbabantay dito.

Pero mahalaga pa din na mayroon ka nito para makikita mo ang mga nangyari sa maghapon o magdamag habang ikaw ay natutulog.

Loading...

Tulad na lang ng istorya ng isang mag-ina sa Quezon City.

Pasado alas onse ng gabi ay mahimbing ng natutulog ang isang mag-ina sa kanilang inuupahang bahay.

Tila isang ordinaryong gabi lamang para sa mag-ina. Hindi alintana ang isang panganib na nagbabadya sa kanilang buhay.

Kuha sa cctv sa kanilang kwarto habang namamahinga sina Precy Samson-Base at ang kanyang labing tatlong taon na anak-anakan na itatago na lang sa pangalang Judy, mapapansin na may bigla na lamang lumitaw na kamay.

Loading...

At ilang sandali lamang ay may biglang dumungaw, sa una ay aakalain na ito ay isang kababalaghan,ngunit mas matindi pa pala sa kababalaghan ang kakaharapin ni Precy ng gabing iyon.

Isang lalaki ang walang kahirap-hirap na nakapasok sa loob ng kanilang kwarto, dahan-dahan nitong kinuha ang cellphone ni Precy at dali-daling bumaba upang tumakas na nakuhanan din ng cctv.

 

Ngunit hindi pa pala dito nagtatapos, may mas maitim na balak pa pala ang kawatan. Ilang sandali lang ang nakalipas ay bumalik ito sa loob ng kwarto ng mag-ina at bigla na lamang sinakal si Precy.

Dahil sa pagkabigla ay hindi na nakagalaw si Precy ngunit pinilit niyang manglaban hanggang siya ay nakakawala sa pagkakasakal sa kanya ng lalaking kawatan na mabilis namang tumakbo patakas.

Dali-dali namang tumakbo pababa ng kanilang bahay si Precy upang sumigaw para makahingi ng tulong.

Sa pag-iimbestiga ng baranggay at Batasan PNP napag-alaman na ang nasabing kawatan ay isang binatilyong 17 anyos.

Ngunit ang pinaka nakakakilabot na parte ay ng mapag-alaman nila na ang binata pala ay kapitbahay nila na manliligaw ni Judy na anak-anakan ni Precy.

Napagtanto ng mga kapulisan na kaya siguro sinakal ng binata si Precy ay para magawa niya ang kaniyang maitim na balak kay Judy.

Ayon sa biktima, naging mahigpit siya sa dalagitang anak dahil para narin sa kapakanan nito. Pinagbawalan niyang lumayo ang anak sa lalaking ito, Ang hindi alam ni Precy, naikukwento pala ng anak anakan ang kanyang mga bilin sa kanyang manliligaw.

Ang istoryang ito ng mag-ina ay nagsilbing babala para sa nakararami. Na ugaliin at sigurduhing nakasara ang lahat ng bintana at pintuan sa mga kabahayan. Dahil hindi natin alam ang pwedeng mangyari sa araw-araw nating pamumuhay.

Para sa mga magulang, hindi maling paghigpitan ang mga anak, pero siguraduhin po natin na ipapaliwanag nating mabuti sa kanila ang dahilan ng paghihigpit at ito ay para sa kanilang kapakanan lamang.

Maging mapanuri at maging alisto sa paligid.

 

 

Loading...

Written by ADMIN

Charlene Gonzales, Na ospital at Inoperahan!

Alice Dixson, flattered and thanksful for being tagged as ‘CRUSH NG BAYAN’ even if she’s already 50