in

Ang Pagbabalik ni Sen. Bong Revilla sa TV , Malapit na

Hindi na talaga mapipigilan ang pagbabalik ni Senator Bong Revilla sa telebisyon at mangyayari ito sa kanyang home studio sa GMA-7.

Hindi muna pinahayag ng Kapuso network management ang pamagat ng kanyang show ni Bong na mapapanood tuwing linggo pero ito daw ay pambatang programa.

Plano nitong palitan programang Daig Kayo ng Lola Ko na isang drama fantasy anthology at multi awarded na pinapangunuhan ni Gloria Romero na pansamantalang pinalitan muna si Nova Villa dahil sa health issue.

Ang bagong TV show ni Bong ay drama fantasy anthology din pambata, kapupulutan ng aral at punong puno ng moral values.

Loading...

Ang Kap’s Amazing Stories, na nag-umpisa noong August 2007 at nagwakas noong July 2014, ang huling show ni Bong sa GMA-7.

Consistent top-rater ang Kap’s Amazing Stories dahil mataas pa rin ang ratings nito, kahit nasangkot si Bong sa PDAF scam.

Surprisingly, humataw pa rin sa ratings ang reruns o replays ng Kap’s Amazing Stories sa unang buwan ng pagkakakulong ni Bong sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Tuluyan nang kinansela ng GMA-7 management ang show ni Bong noong July 6, 2014 pagkatapos ng pitong taong pamamayagpag sa telebisyon.

Loading...

Loading...

Written by ADMIN

Netizens aliw na aliw sa mag jowang humantong kay Raffy Tulfo dahil sa filter photos ni ate

Buhawi naman! Panoorin ang Aktwal na Video ng Pananalasa ng Buhawi sa Marawi!