in ,

Julia Montes, hindi pinalagpas ang kaarawan ng alleged boyfriend na si Coco Martin

Hindi pinalampas ni Julia Montes ang pagkakataong batiin si Coco Martin, na nagdiriwang ng 38th birthday nito ngayong Biyernes, November 1.

Ito ang unang pagkakataong naglabas ng mensahe ang 24 anyos na aktres Julia, para kay Coco na itinuturong ama ng kanyang anak.

Simpleng “HBD” na may face blowing a kiss at birthday cake emojis ang caption sa Instagram post ni Julia bandang 12:30 A.M. ngayong Biyernes.

Kalakip nito ang framed picture ni Coco na makikita sa hallway ng ABS-CBN main building sa Quezon City.

Loading...

Limited ang comments section sa Instagram feed ni Julia, na huling napanood sa ABS-CBN afternoon drama na Asintado, na umere noong January 15, 2018 hanggang October 5, 2018. At nang matapos ang serye ay lumipad si Julia patungong Germany kung saan nakabase ang kanyang ama.

Huling litrato ni Julia na ibinahagi niya sa kanyang Instagram ay noon pang January 2019, at makikita rito na nasa ibang bansa ang aktres.

Naging kapansin-pansin ang pagkawala ni Julia sa mundo ng showbiz.

Hanggang sa pumutok ang balitang lihim na nagsilang ng anak si Julia noong Marso, sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Loading...

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong April 8, nakasaad na kumpirmado ng showbiz insiders na nanganak nga si Julia, at si Coco ang ama ng sanggol.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi naglabas ng anumang pahayag si Julia hinggil dito kung totoo man o hindi.

Samantala, nito lamang October 25, 2019 ay kumalat sa social media ang ilang litrato ni Julia na namataan sa isang supermarket sa Greenhills, San Juan City na talaga namang kina excite ng kanyang mga fans.

Base rito ay nagpaunlak si Julia na magpakuha ng litrato sa mga taong nakakita sa kanya roon.

Hindi malinaw kung hudyat ito na malapit nang magbalik-showbiz si Julia.

Ang huling impormasyong nakalap ng PEP Troika ay mula sa dating Mara Clara at Doble Kara co-star ni Julia na si Mylene Dizon.

Ang tanging sinabi lang ni Mylene ay nagkaka-Viber Chat sila ni Julia na minsang humingi raw sa kanya ng advice sa pagluluto ng isang chicken recipe.

 

Loading...

Written by ADMIN

Akala ng Marami ay Puro Basura Ito sa Dagat Nagulat Sila ng Lapitan Ito

Angel Locsin spottted na tahimik na Tumulong sa mga biktima ng lindol