in ,

Resto owner nakaisip ng nakakamanghang paraan upang mabigyan ng pagkain ang mga mahihirap sa daan

Sa kabila ng napakaraming tao na nagugutom sa daan, marami pa din ang nasasayang na mga pagkain sa mga fastfood chains at maging sa mga mamahaling restaurant dahil sa mga hindi nauubos o natitirang pagkain ng mga kostumers nito. Ang mga ito ay itinatapon na lamang sa basurahan kahit na ang iba ay halos buo at malinis pa.

Kung oobserbahan, napakaraming tao sa buong mundo ang walang makain at namumulot na lamang ng mga pagkain na tira-tira sa mga basurahan na kung tawagin ay “pagpag.” Ang pagpag ay ang mga pagkain na itinapon na sa basurahan ng mga sikat na kainan at ito ay pinupulot ng mga walang kakayanan sa buhay. Mula sa basurahan, pipiliin ng mga ito ang mga maaari pang linisin ulit at kainin. Kung minsan ay muli nitong iluluto upang mamatay ang mga dumi na kumapit sa mga pagkain.

Ang kahirapan at kakulangan ay matagal nang suliranin ng maraming bansa. Kung kaya nman, ang restaurant owner na si Minu Pauline sa Kochi, India, ang naging mulat mula sa katotohanang ito.

Ayon sakanya, isang araw habang siya ay nagmamasid sa labas ng kanyang kaninan, nakita raw niya ang isang pulubing babae na nangangalakal at naghahanap ng makakain sa basurahan. Dahil sa nakitang sitwayon ng may-ari, napagtanto niya sakanyang sarili na ang daming nagugutom na kapwa niya Indiano samantalang maraming natitira o leftover sakanyang kainan na nasasayang dahil ito’y itinatapon lamang.

Loading...

“So many people are wasting so much food and someone is taking that food from the same trash,” 

(Napakaraming tao ang nagsasayang ng pagkain samantalang mayroon isang tao na pinupulot sa basurahan ang pagkain na kanyang itinapon.)

Dahil dito, nakaisip ng magandang ideya si Pauline upang hindi masayang ang mga natirang pagkain o hindi nakain mula sakanyang restaurant. Nilagay niya lahat ng mga natirang pagkain sa isang refrigerator na kaniyang inilagay sa pasukan ng kanyang restaurant.

Nakabukas ito 24/7 at maaaring makuha ng libre kung sino man ang may gusto. Minarapat din nilang lagyan kung kailan nailuto ang bawat pagkain nang sa gayon, malalaman ng tao kung ito pa ba ay pwede pa o panis na para na din maiwasan ang sakit na maaaring maidulot ng panis na pagkain.

Loading...

Naglalagay sila ng 75 hanggang 80 packs na mga pagkain na maaring kainin ng libre ng kahit na sino. Kung kaya’t maiiwasan na masayang ang mga pagkain at matutulungan pa ang mga walang kakayahan bumili ng pagkain sa araw-araw katulad na lamang ng pulubing babae na kanyang nakita.

Talaga nga namang nakakamangha ang ginawa ng may-ari dahil marami siyang matutulungan at mapapakain. Bihira lamang ang mga ganitong klase ng tao na handang mamigay ng libreng pagkain para sa mga mahihirap kaya dapat natin siyang pasalamatan at ipagdasal na makahikayat pa ito ng ibang business owners ng mga kainan.

“If you’re wasting your money, it’s your money, but you’re wasting society’s resources. Don’t waste the resources, don’t wasted the food.”

(Kung nagsasayang ka ng pera, pera mo ‘yan, ngunit sinasayang mo ang pinagkukuhanan ng pangangailangan. H’wag mo itong sayangin, h’wag sayangin ang pagkain.)

Isa si Minu Pauline sa maituturing na magandang halimbawa ng pakikipag kapwa tao. Nawa’y marami pang katulad niya ang nabubuhay sa mundo.

Spread love!

Loading...

Written by ADMIN

Matapos Paglaruan ang Halaman, Ito ang Nangyari sa 4 Years old na Bata

Piolo Pascual, acts strange when Alexandra de Rosi asked about his ex KC Concepcion