in

Mga Kapitbahay ni Alyas Linda, May Attitude Daw Ito

Sinadya ng team ng Raffy Tulfo in Action ang bahay ni Alyas “Linda” sa Barangay Bambang Taguig City matapos umugong ang balitang nakalipat na raw di umano ito ng bahay. Kasama ang babaeng anak ni Tatay Alexander Gutal na nasa viral video ng nabugbog sa e-jeep, nakausap ng reporter ni Idol Raffy ang mismong ama ni alyas Linda.

Doon nakumpirma nilang naroon pa ang mag-anak at di totoong nakalipat na ang mga ito. Ayon pa sa ama, wala na raw siyang dapat pang sabihin at sa korte na lamang sila magsasalita. Sinamantala na rin ng reporter na magtanong-tanong sa mga kapitbahay ni Alyas Linda kung anong klaseng tao ito sa kanilang lugar. Halos pare-pareho ang nasasambit ng mga kapitahay nito tungkol kay Linda at sa kanyang pamilya.

Lumalabas na mataas daw ang tingin ni Linda sa sarili at hindi marunong makisama sa mga kapwa niya babae roon. Katunayan, wala raw itong babaeng kaibigan sa kanilang lugar at madalas ay lalaki pa raw ang kasundo nito. Mapa-matanda man o halos mga ka-edad ni Linda ang nagsasabing dati nang nasasangkot ang pamilya nito sa gulo dahil sa kanya. Samantala, nahimasmasan naman ang anak ni Tatay Alexander na si Gracey Gutal nang malamang di naman nagtago at umalis ang pamilya ni Linda.
Narito ang kabuuan ng video:

Loading...

Written by ADMIN

Ito Na Pala ang Buhay Ni Princess Punzalan Matapos Lisanin ang Showbiz

James Reid willing to work with Kathryn, but said NO to Julia Barretto