in

#ExcessBaggageChallengeAccepted, ng isang smart Pinay traveller, viral ngayon sa socmed dahil sa ginawa nito sa kanyang bagahe

Mayroong kanya-kanyang patakaran ang mga transport agencies para sa kaligtasan ng kanilang mga pasahaero. Isa na riro ang paliparan o airport na talaga nga naman mahigpit sa pagpapatupad ng mga safety precautions.

Ito marahil isa napakahalagang bagay gaya ng maraming buhay ang nakasalalay. Bawat eroplano, aabot sa mahigit na 50 katao ang mga pasahero kasama na ang mga cabin crew at piloto depende sa laki nito.

Isa sa mga patakaran ng airport bago makasakay ang mga pasahero, kailangan muna nila idaan sa luggage counter ang kanilang mga bagahe para matimbang at masigurado na ito ay sakto lamang para sa bigat na nakalan sa bawat pasahero. Sa patakaran, mayroon lamang nakalaan na 7 kilospara sa hand-carry baggage.

Kamakailan lamang, isang Pinay traveller ang nakaisip ng nakakatawa ngunit mautak na pamamaraan upang masolusyonan ang problemang ito. Ang kanyang hand-carry ay umabot sa 9 na kilo na dapat ay 7 kilo lamang.

Loading...

Kinakailangan niyang bayaran ang sobrang 2 kilo ng kanyang bagahe upang masama ang mga ito ngunit tinanggihan nito magbayad at naisip na isuot na lamang ang mga mabibigat na damit upang bumaba sa 7 kilo ang dala niyang bagahe. Isinuot niya ang kanyang mga damit na nasa loob ng bagahe kasama na rito ang jackets, pants, at shirts.

Ang pasaherong ito ay walang iba kung hindi si Gel Rodriguez. Ayon sakanya, hiningian siya ng check-in counter staff ng karagdagang bayad matapos mag overweight ang kanyang bagahe ngunit ito ay kanyang tinanggihan at inisipan ng paraan sa pamamagitan ng pagsuot ng patong-patong na damit makaiwas lamang sa bayarin.

Ang ganitong problema ay kaaniwang nararansan ng mga travellers lalo’t na ang mga mahihilig mag OOTD sa kanilang papasyalan.

Agad namang nag viral sa social media ang karanasan niyang ito matapos niyang i-post sakanyang Facebook na may caption na, “From 9kg to 6.5 kg baggage.”

Loading...

Maraming natawa at naka-relate sakanya kaya umani ito ng iba’t-ibang reaksyon mula sa netizens. Ayon pa sa iba, #ProblemSolved daw ito para sa mga mahilig bumiyahe na mayroong dalang isang katerbang damit. Nagpapasalamat raw sila kay Gel para sa ideyang ito, pagbibiro pa ng ibang netizens na nag-share ng post.

Ayon naman kay Gel, bagamat ito ay nakakatawa ay hindi niya na raw ito uulitin lalo na’t mainit ang panahon sa Pilipinas. Nagbiro pa ito na sana raw ay ginandahan niya ang kanyang pose kung alam lang niyang ito ay magiging viral.

Narito ang ilang nakakaliw na komento mula sa mga netizens.

Isa ka din ba na mahilig bumiyahe na may dalang isang katerbang damit? Handa ka na din ba sa bagong challenge ngayon?

Kung mayroong, #CommuteChallenge si Panelo, meron namang #ExcessBaggageChallengeAccepted si Gel Rodriguez.

Loading...

Written by ADMIN

Milktea, May Masamang Epekto Ayon sa Mga Eksperto

Ito Na Pala ang Buhay Ni Princess Punzalan Matapos Lisanin ang Showbiz