in ,

‘I thought we were friends’, Alexa Ilacad walang kalaban laban sa pambubully di umano ni Sharlene San Pedro

Hindi raw natatakot si Alexa Ilacad sakaling pagharapin sila ni Nash Aguas ng Star Magic, na nangangalaga sa kanilang career, kaugnay ng isyung kinasasangkutan nila.

Mula kasi nang lumabas ang panayam ni Alexa, tungkol sa saloobin niya sa naging relasyon nila ni Nash at relasyon ngayon ng binata kay Mika dela Cruz, ay inulan na siya ng batikos.

Mas lalo pang lumaki ang isyu sa pagitan nila nang isiwalat ng 19-year-old actress na si Nash, diumano ang nagpakalat ng balitang nanlalaki siya kaya naudlot ang kanilang relasyon noon.

“Okay lang, wala naman akong kasalanan, e, so bakit naman ako matatakot?” sagot ni Alexa nang tanungin kung handa siya kung sakaling ipatawag at pagharapin sila ni Nash ng Star Magic.

Loading...

Sa pagpapatuloy ng panayam ng press kay Alexa, para sa pelikula niyang “Santigwar,” naikuwento ni Alexa na nakaranas siya noon nang pambu-bully mula kay Sharlene dahil na rin sa aktor na si Nash Aguas. lumabas ang pangalan ni Sharlene San Pedro at iba pang co-stars nila ni Nash sa dating kiddie gag show na Goin’ Bulilit at sa teen-comedy series na LUV U.

Ayon kay Alexa, pinagtulungan daw siya ng mga ito.

“Pati yung tweet sa kanila nila Sharlene before…

“I was so surprised na I woke up one day using my Twitter, and I saw that they were teaming up against me.

Loading...

“Actually, yung iba naman talaga dun, Goin’ Bulilit pa lang, binu-bully na ako.

“Pero, I was really pinaka-hurt kay Sharlene because I thought we were friends. We were okay. Good kami. And then, ayun, nagulat ako one day na, ‘ano ‘to?’ Inaaway nila kami ni Jairus (Aquino), pinagtutulungan nila kami. So, sabi ko, ‘saan ito nagsimula?’ And then I found out na … inutusan daw ni Nash si Sharlene na gawin ‘yun,” kuwento ni Alexa.

Sa tanong kung bakit ngayon lang siya nagsalita tungkol dito kahit matagal na itong nangyari, sagot ni Alexa: “Because I’m so tired, it’s so tiring, it’s been so long. And the fact na they’re still grilling me about it. I’m done. I’m gonna say everything once and for all para tapos na. Para tumigil na rin silang lahat. Kung hindi sila titigil, hindi ko sila papansinin, bahala sila.”

Umani naman ang panayam na ito ni Alexa ng iba’t-ibang komento mula sa netizens, narito ang ilan sa kanila:

Hintayin natin kung ano naman ang bersyon ni Sharlene sa mga naging pahayag ni Alexa at kung maibabalik pa ang kanilang dating pagkakaibigan.

Mukhang may bago na namang aabangan ang mag netizens sa social media. Ano pong masasabi niyo?

Loading...

Written by ADMIN

Mini-me Ni Donna Cruz, Dalaga na!

Milktea, May Masamang Epekto Ayon sa Mga Eksperto