in ,

Julia Montes spotted sa isang supermarket, mga fans na excite!

Usap-usapan sa social media ang pagbabalik sa Pilipinas ni Julia Montes na napaulat na nagtungo sa ibang bansa dahil umano sa pagbubuntis.

Trending sa Twitter ang hashtag na “Julia Montes is back”.

Ito ay matapos kumalat ang kanyang pictures kasama ang ilang netizens na nakakita sa kanya sa isang supermarket.

Batay sa isang tweet, sa Unimart Supermarket, sa Greenhills, San Juan City nakitang namimili ang 24-year-old actress na si Julia nitong nakaraang Linggo lamang.

Loading...

Super blooming at walang kupas umano ang ganda ng aktres ayon sa mga netizens.

Sa mga larawan, makikitang nakasuot ng white long sleeves at blue denim pants ang aktres na pinabigyan ang mga gustong magpa-picture sa kanya, gaya ng ibang namimili at mga empleyado ng naturang supermarket.

Sa ibang mga larawan ay makikita si Julia na naka-shades siya.

Mayroon din namang ibang kuha na tinanggal niya ang shades at nakita ang maaliwalas na mukha ni Julia kahit wala itong make-up.

Loading...

Ang mga larawan ng aktres na ito ay agad inulan ng samu’t saring komento galing sa mga netizens.

April 2019 nang napaulat ang panganganak umano ng aktres sa anak nila ni Coco Martin sa isang ospital sa San Juan City. Ngunit mariing pinabulaan ito ng dalawang kampo.

Noong una ay inakala ng marami na nasa Germany parin ang aktres, ngunit may source na nagsabing narito lamang sa Pilipinas si Julia at ineenjoy ang private life.

Hindi rin visible si Julia maging sa social media, bukod na lamang sa panaka-nakang Instagram posts nito para sa kanyang mga followers.

Meanwhile, narito naman ang ilan sa mga komento ng excited fans tungkol sa mga larawang kumakalat sa social media.

Ano pong masasabi niyo?

Loading...

Written by ADMIN

‘Hipon Girl’ Hindi Inaasahan Makunan ng Video ang Pagsubsub Niya sa Wowowin

Shaina Magdayao Nagsalita Tungkol sa Kumakalat na Fake News Na Yumao Na Siya