in ,

Dominique Cojuangco speaks up why she missed her Lolo’s Wake

Sa gitna ng kontrobersyal na alitan sa pagitan ng magkakapatid na Barretto, tila nahati muli ang pamilya kahit na nagdadalmahati pa ang mga ito sa pagkawala ng kanilang ama ng tahanan na si Miguel Barretto.

Nakapaglabas na ng kanya kanyang hinaing ang mga magkakapmilyang involved sa alleged physical confrontation sa lamay, maging ang mga pamangkin nila Gretchen, Claudine at Marjorie ay may kanya kanya ring issueng inilabas.

Ngunit may isang Barretto na kailanman ay hindi narinig na nakiealam sa mga gulo ng mga nakakatanda. Ito ay ang anak ni Gretchen Barretto sa partner niyang si Tony Boy Congjuanco, Si Dominique Congjuangco.

Pero ang kanyang lubos na pananahimik o pagiging low-key ay hindi nakaligtas sa ilang netizen na nagtataka kung bakit wala ito sa burol ng kanyang lolo Miguel.

Loading...

Si Dominique ay kasalukuyang naninirahan at nagtatrabaho sa San Francisco, California, at sa pagkakataong ito ay inalmahan niya ang comment na ito ng isang netizen.

Noong October 18, Biyernes, isang netizen ang nagkomento sa Instagram post ni Claudine Barretto, kapatid nina Gretchen at Marjorie.

Bumuhos ang maraming komento sa cryptic post na ito ni Claudine, kasunod ng ulat na nagkapisikalan sila ni Marjorie sa burol ng kanilang ama noong gabi ng October 17.

Isang netizen ang nakaagaw ng pansin ng anak ni Gretchen na si Dominique, dahilan upang mag-react ito.

Loading...

Komento ng netizen, hindi raw nakakatulong ang mga post ni Claudine na may patama dahil lalo lang lumalaki ang away sa kanilang pamilya.

Idinawit pa ng netizen sina Gretchen at Dominique sa pamamagitan ng pagta-tag sa mga ito.

Sabi ng netizen: “pay some respect to your dad instead of partying.”

Hindi ito pinalampas ni Dominque.

“you don’t know me,” maiksing mensahe ng dalaga.

Sumundot pa ng isang tanong ang netizen kay Dominique: “@dominique are u in your grandpa’s wake?”

Sagot ni Dominique: “I’m in a completely different country with a job.”

Base naman sa pinakahuling Instagram post ni Dominique, dumalo siya sa kasal ni Alissa Martinez, anak ni Albert Martinez sa yumaong asawang si Liezel Martinez sa Banff, Canada noong October 18. Kasabay ito ng burol ng kanyang lolo sa Heritage Memorial Park, Taguig City.

Sina Dominique at Gretchen ay malapit sa mga anak ng aktor.

Sa isa pang issue na napansin ng ilang netizen at marahil pinanggalingan ng komentong ito ay ang pagdalo ni Gretchen sa isang engagement party kasama si Tony Boy kinabukasan matapos itong dumalaw sa burol ng ama.

 

View this post on Instagram

 

@mirandahanna said YES TO @matt_que 💕

A post shared by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on

Sa kabilang banda, nakakuha naman ng suporta si Dominique mula sa ilang netizens.

Sinabihan ng netizens ang anak ni Gretchen na huwag nang patulan ang mga pumupuna sa kanya.

Ayon naman sa iba, huwag nang idamay si Dominique sa away ng mga Barretto.

Sa pinakahuling kaganapan, lumipad si Gretchen sa San Francisco para makapiling ang nag-iisang anak na si Dominique.

Ngayong araw, October 21, ibinahagi ni Gretchen sa Instagram ang video ng pagdating niya sa bahay ni Dominique.

Caption dito ng aktres: “Just what i need , a whole lot of love.

“My little one @dominique asked me to fly to San Francisco for her to feed me , she says she wont let me go home until i gain back some weight… role reversal

“my grandson chapo got to me firstchapo before my baby Dominique ????welcome to San Francisco”

Ano pong masasabi niyo?

Loading...

Written by ADMIN

Julia Barretto strongly stands that she will never join in the feud of Barretto sisters

Do you Remember Goin’ Bulilit Cha Cha Cañete, Here She is Now!