in

Yllna Brothers na sila Anjo, Jomari at Ryan, inireklamo ng mga estudyante sa Tulfo

Matapang na sinagot ng Yllna brothers ang reklamo sa kanila sa harap mismo ni idol Raffy Tulfo.

Maituturing na isa sa mga pinakasikat noong 90s ang celebrity brothers na sila Anjo at Jomari Yllna. Kalaunan ay pumasok narin sa showbiz ang isa pa nilang kapatid na si Ryan.

Namayagpag ang career ng mga ito noon, hanggang sa kalaunan ay bahagyang iniwan ang mga showbioz careers para pasukin ang local politics.

Nagsilbing konsehal si Anjo sa kanilang distrito sa Paranaque ng ilang taon simula 1998, bagamat natalo noong sumubok sa Vice Mayority race ng 2004, ay nakabalik nakabalik naman siya bilang councilor nung taong 2016.

Gayundin ang kanyang kapatid na si Jomari na nananatiling konsehal sa isang distrito ng Paranaque mula 2016 hanggang ngayong taon 2019. Maging ang isa pa nilang kapatid na si Ryan ay konsehal din sa second district ng kaparehong lungsod.

Loading...

Sa kabila ng kasikatan at karangalan, hindi parin mawawala ang mga negatibong pangyayari sa magkakapatid na ito.

Kamakailan lang ay hindi inaasahang nagtungo ang dalawa sa Yllna brothers na sila Anjo at Ryan upang harapin ang reklamo ng mga estudyante ng kanilang paaralan na Yllna Colleges of Business and Arts sa Lucena City.

Nauna ng nagtungo sa programa ni Raffy Tulfo ang mga estudyanteng nag rereklamo at inilapit sa sikat na public service program ang kanilang hinaing tungkol sa paaralan.

Napag-alaman kasi ng mga ito na hindi rehistrado sa TESDA ang eskwelahang pag-aari ng mga Yllana.

Matapos daw mabalitaan ang reklamo laban sa eskwelahang pag-aari, nagsadya sa tanggapan ng TV5 ang magkapatid na Anjo at Ryan Yllana para liwanagin ang kanilang panig.

Loading...

Nagpaliwanag ang magkapatid na Yllna sa programa ni sir Raffy. Ayon sa aktor at host na si Anjo Yllana, siya ang unang nagtatag ng nasabing eskwelahan at ipinasa na lamang ang pamumuno sa kanyang kapatid na si Ryan na tumatayong presidente ng nasabing paaralan.

Sabi ng dalawa, nagkaroon lamang sila ng problema nang lumipat sila ng pwesto. Kinailangan kasi nilang lumipat dahil hindi na kumikita ang paaralan. Ngunit nagkaroon sila ng problema sa Securities and Exchange Commission (SEC) dahil dito. Ayon pa kay Ryan na siyang tumatayong presidente ng paaralan,

Ilang beses na silang nagpabalik-balik sa SEC na inabot na ng isang taon, dahil lamang sa pagpapalit ng address. Dahil dito, hindi sila nakapagparehistro sa TESDA.

Matapos na maihayag ang dahilan kung bakit hindi sila na-rehistro sa TESDA ay agad namang sinabi ni Anjo na handa sila na ibigay ang hinihinging refund ng mga nagrereklamong estudyante.

Maging ang mga ginastos ng mga ito sa loob ng isang taon habang nag-aaral sa Yllana College ay ibabalik din daw ng mga ito. Humingi rin ng paumanhin si Anjo sa mga ito dahil sa abalang nangyari.

Umapela din ito sa TESDA na kung maaari pang mapakinabangan ng mga estudyante ang mga pinag-aralan ng mga ito sa loob ng isang taon. Dahil dito, maraming netizens ang natuwa at humanga sa magkapatid dahil sa ginawang pagharap sa reklamo laban sa kanila.

Humanga ang maraming netizens sa magkapatid na Anjo at Ryan Yllana dahil sa naging pagtanggap ng mga ito sa isyung kinakaharap dahil sa eskwelahang pag-aari nila.

Umani naman ng sari-saring komento ang reklamong ito laban sa magkapatid.

“Grabeh down to earth talaga si Anjo.. Kalma lang talaga sya.”

“Medyo naging bastos dito si Raffy Tulfo, minsan may mga mishaps din siya at maling desisyon. Sulsol pa e. May pinipili din.”

“How I wish makabangon ung school nio yllana brother, at marami p sna kaung mtulungan n mga schollar.. GODBLESS U all.

“Sir raffy I respect you . But I think this time , you’re being bias here.”

“Wla aq msbi kundi congratulations sa lahat ng natulungan ng magkapatid n ito,, God bless po sa lahat ng may mabubuting kalooban.”

“Irecognize mo din sir Raffy yung mga good deeds na nagawa na ng mga Yllana! Gaya ng sinabi kanina yang mga nagpunta sayo ay yung mga di nasali sa tinulungan ng Yllana!”

“I love the word “Filipino Tayo wag tayo magalit sa 1t1 at pwede natin pag-usapan ang bagay bagay..”–Mr. Anjo Yllana..salute you Sir Anjo..very humble.”

Loading...

Written by ADMIN

Korina Sanchez Nagcelebrate ng Birthday Kasama ang Kambal Niya

Christine Reyes suddenly cried in TWBA while talking about LYING AND BETRAYAL