in ,

Karla Estrada, pinalundag ang puso ng mga netizens sa larawan at mensaheng pinost niya para sa anak na si Daniel Padilla

“Healing is a matter of time, but it is sometimes also a matter of opportunity”

Lumaki mang hindi buo ang pamilya, lumaki naman mabuting tao ang teen king na si Daniel Padilla.

Eto ang maipagmamalaki sa kanya ng kanyang mga magulang na sila Karla Estrada at Rommel Padilla.

Hindi na lingid sa publiko ang pinagdaanan ng love life ni Karla Estrada. Hindi naging happy ending ang pagmamahalan nila ng kapwa celebity na si Rommel Padilla.

Gayunpaman, nagbunga naman ang kanilang pagsasama ng isang Daniel Padilla na isa na sa pinakasikat na aktor sa ngayon at tinaguriang Teen King.

Loading...

Nagkahiwalay man, nanatiling mabuting magkaibigan sina Karla at Rommel. Ito raw ay para na rin sa kanilang anak na si Daniel. Nananatiling maganda ang relasyon nila dahil sa kabila raw ng pagkakamali nila sa nakaraan, ay mayroon silang anak na kailangang arugain.

Kahapon September. 25, muli ay pinagsigawan niya sa buong social media kung gaano niya kamahal si Daniel at gaano niya nirerespeto ang biological father nitong si Rommel. Sa kanyang post sa Instagram, pinalundag ni momshie Karla ang puso ng bawat netizens ng ipost niya ang larawan nilang tatlo as family picture. Lalo na nag caption niyang,

“Lahat ay lilipas, lahat ay magpapatawad at sa huli lahat ay magiging masaya. Para sa anak mula sa ina.” 

Marami ang natuwa sa post ni Karla kabilang ang mga kapwa celebrity na sina Melai Francisco, Moira dela Torre, at Jackie Forster.

Bago pa man ang post na ito ni Karla, nag-guest na rin si Rommel kamakailan lang sa morning show ni Karla kasama sina Melai Francisco at Jolina Magdangal na Magandang Buhay kung saan ay nagbigay sila ng mensahe para sa isa’t isa.

Loading...

Dito ay nagpasalamat sila sa isa’t isa dahil kahit nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ay nagawa nilang mag-ayos para mapalaki nang wasto ang anak nilang si Daniel.

“Thank you, dahil sa iyo nagampanan ko iyong obligasyon ko kay DJ. Siguro kung hindi ka naging ganung nanay, malamang napabayaan ko eh. Hindi ko siguro natutukan, hindi ko siguro nakita sa pagdating ni DJ sa edad na ito. Thank you,” sabi ni Rommel kay Karla.

Ibinalik naman ni Karla sa dating asawa ang papuri na kahit hindi raw nauwi sa forever ang kanilang pagsasama bilang couple, nananatiling matatag ang samahan nila bilang magkaibigan.

“Ako never akong nakaramdam ng kahit pitik sa tainga, kahit na anong pagalit noong kaming dalawa’y nagsasama pa. So na- appreciate ko lahat iyon. Kaya hanggang ngayon lumaki si Daniel, pinagsisigawan ko ang tatay mo ay napakabuting tao,” sagot naman ni Karla.

Nasabi din niya na magandang manatiling magkaibigan ang mga magulang na nauwi sa hiwalayan upang magampanan pa rin ang tungkulin bilang magulang. Hindi umano dapat madamay ang mga bata sa kanilang hindi pagkakaunawaan dahil sa ganitong paraan, lalaki pa ring buo ang pagkatao ng isang anak at walang anumang insecurities.

Narito ang ilan sa mga comments:

jackie_forster: 💯💯💯💯💯💯💯 Mega like!

artteacher1818: ‘The most important thing in the world is FAMILY and LOVE “……(GH)

kissesss75: Awwee.. One happy family!! Ganda talaga ng lahi.. Kita nmn sa produkto!! Salute to u QM @karlaestrada1121 and @omengq for raising DJ well.. Kaya blessed kau kasi walang bitterness sa mga puso nyo!! Stay blessed at andto lng kami lagi!! Truly an inspiration!! 🙏🙏💙💙❤️❤️❤️😍😍💪💪👏👏

iamtaniamontenegro: ♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️

Sangayon po ba kayo kay Karla? Share us your thoughts!

SOURCE: INSTAGRAM
Loading...

Written by ADMIN

Filipina Celebrities na Nakapangasawa ng Sobrang Yaman

Ruru Madrid, revealed courting all the beautiful celebrities in the past