in ,

Mga Artista Noon, Beauty Queens na Ngayon

Hindi lahat ng pumapasok sa showbiz ay pinapalad na sumikat. Pero wag ka, may mga hindi nagboom ang career ngunit wagi at nakilala naman sa ibang larangan gaya ng beauty pageants.

Narito ang ilan sa mga kilalang artista noon na naging beauty queens na ngayon.

1. Michelle Dee

Si Michelle ay anak ng aktres at beauty queen ding si Melanie Marquez. Naging Kapuso talent itong si Michelle pero mas nagfocus siya sa pagiging beauty queen at kinoronahan bilang Miss World 2019.

2. Isabelle De Leon

Mas kilala sa screen name na Duday dahil sa sikat na comedy sitcom noon ni Vic Sotto na “Daddy Di Do Du”. Nagka award sa heartbreaking film na “Magnifico” bilang special child na si Helen, pero afterwards ay nawala narin sa showbiz. Ngayon kinoronahan siyang Miss Multinational 2019.

Loading...

3. Pia Wurtzbach

Naging aktibo sa showbiz si Pia noong 2000s pero hindi din naman nabigyan ng mga big roles sa mga projects. Pero mas nakilala siya dahil sa pagkakapanalo bilang Miss Universe
2015. Ngayon balik showbiz narin siya upang ipagpatuloty ang naudlot na career.

4. Megan Young

Nagsimula bilang contender sa artista search ng GMA na Star Struck, no major roles din ang naibigay sa kanya noon hanggang sa kinoronahan siya bilang Miss World noong 2013.

5. Wynwyn Marquez

Parehong artista ang kanyang mga magulang pero bagamat baguhan palang sa showbiz hindi parin nakakakuha ng big break. Ngayon, siya ang kauna-unahang representative ng Pilipinas at Asia sa Reina Hispanoamericana at hindi nabigong iuwi ang korona noong 2017.

6. Ruffa Gutierrez

Dahil artista ang parehong magulang, lumaki si Ruffa sa limelight. Bata pa lang ay palagi na siyang nakikita sa TV. At dahil born to be a beauty queen itong si Ruffa, sumali siya sa Binibining Pilipinas 1993 at nag qualify upang irepresent ng bansa sa Miss World 1993. 2nd runner-up ang naiuwing korona ni Ruffa.

Loading...

7. Joanne Quintas

Nagsimula ang career ni Joanne sa showbiz bilang model at later on naging actress. Naging Binibining Pilipinas- Universe siya noong 1995.

8. Maggie Wilson

Nagsimula bilang actress sa GMA si Maggie bago pa man lumahok sa mga beauty pageant. Wagi bilang Binibining Pilipinas World noong 2007 ang magandang aktres.

9. Mutya Crisostomo

Anak ng dating action star na si Tony Ferrer at 1970 Mutya ng Pilipinas Alice Crisostomo. Nagmula si Mutya sa first batch ng sikat na youth oriented show na ‘That’s Entertainment’ noong 80’s kasabay nila Jean Garcia, Nadia Montenegro, Manilyn Reynes, Tina Paner at Donita Rose.

After six years in showbiz, iniwan niya ang kanyang career at nagsimula ang journey sa mga beauty pageant. Nanalo siya bilang Mutya ng Pilipinas 1990 at naiuwi ang titulo bilang Miss Asia Pacific 1992 second runner up.

 

SOURCE: GMA NETWORK
Loading...

Written by ADMIN

Look: Paolo Ballesteros Stunning views From His House

Netizen Nagbabala sa Isang Lalaking Nambibiktima sa Mga Fast Food Chain